Wika (Berbal O Di berbal)
Huwebes, Setyembre 22, 2016
Ang kahulugan ng sinasabi ng tao berbal man o di berbal ay nakaayon sa kulturang kanyang kinabibilangan.
Ang wika ay paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat. Ang wika rin ay kaluluwa ng bansa, pag iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas. Sa pakikipag-usap o pakikipagkomunikasyon may dalawang anyo ito. Ito ay ang berbal at di berbal na komunikasyon. Ang berbal na komunikasyon ay gumagamit ng salita sa pagpapahayag ng saloobin ng isang tao at ang di berbal na komunikasyon naman ay gumagamit lamang ng kilos upang maipahayag ang kayang mensahe. Kaya sa pakikipag-usap gumagamit man tayo ng berbal o di berbal na komunikasyon dapat natin itong pahalagahan dahil ito ang dahilan kung bakit tayong lahat ay nagkakaunawaan at nagkaka intindihan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)